Add parallel Print Page Options

13 Ngunit nalalaman ninyo na sa aking kahinaan sa katawan, sa inyo ko unang ipinangaral ang ebanghelyo. 14 Ang pagsubok na nasa aking katawan ay hindi ninyo hinamak o itinakwil man. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang isang anghel ng Diyos,na parang ako si Cristo Jesus. 15 Ano kung gayon itong pagiging mapalad na inyo nang tinanggap? Ito ay sapagkat aking pinatotohanan na kung maaari nga lang ninyong dukitin ang inyong mga mata, dinukit na sana ninyo ang mga ito at ibinigay sa akin.

Read full chapter